Mga Salitang Batangueno

Ala eh! Alam mo ga kung paano magsalita ang mga taga-Batangas? ‘Ta dine at ika’y aking tuturuan.

Ang diyalektong Batangueno ay may mayamang bokabularyo. Kapag pinakikinggan ito ng mga taga-ibang probinisya ay aba akala’y galit kame! Kahit malimit kaming pagkamalang galit dahil ng aming accent, ang mga Batangueno, tulad ng karamihan ng mga Pilipino, ay masisiyahing mga tao. Ito ang 10 sa mga salitang ginagamit ng mga Batangueno:

  • Burabo /boo-rah-boh/

makapal na pulbo sa mukha

hal: “Naglagay ka na naman ng pulbo nang walang salamin, ano? Burabo ka bes. Mukha kang espasol.”

  • Dine /dee-neh/

dito

hal: “Dine ka na lang sa piling ko dahil sawang-sawa na akonng iniiwan.”

  • Karipas /kah-ree-pas/

ang mabilis na pagtakbo

hal: “Late na naman ako kaya kumaripas na tayo ng takbo.”

  • Lupagi /loo-pah-gi/

humilata sa sahig

hal: “Ang sarap mag-lupagi kung ganireng (ganitong) maraming ka-echosan sa buhay.”

  • Nangangawit /na-nga-nga-wit/

nangangalay

hal: “Nangangawit na ako sa kakahintay sa iyo.”

  • Mabanas /mah-bah-nas/

mainit

hal: “Mabanas dito sa Pilipinas kaya dapat ipa-aircon na ang buong bansa.”

  • Bungisngis /boo-ngis-ngis/

ngiti, tawa

hal: “Naka-bungisngis na tagumpay ang batang nanalo sa laro ng botogs.”

  • Karibok /kah-ree-bok/

kagulo

hal: “Karibok na naman ang aking mga kapatid sa paglilipat ng palabas sa telebisyon.”

  • Busayak /boo-sah-yak/

aksaya

hal: “Anak, wag kang mag-busayak ng tubig diyan.”

  • Papagayo /pah-pah-gah-yoh/

saranggola

hal: “Paliliparin ko ang papagayong may sulat sa kalawakan upang maka-abot ito sa sa Diyos na aking pinagdadasalan.”

 

Nabitin ka ba sa 10 salitang nakalaan dito? Buksan ang link na ito para malaman mo kung paano maging isang #ProudBatangueno.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s